Pabahay at pamamahagi ng titulo ng lupa sa Yolanda victims pinamamadali ni Pangulong Marcos

By Chona Yu November 08, 2023 - 12:50 PM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Human Settlement and Urban Development at National Housing Authority ang pagpapatayo ng pabahay at pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga bepepisyaryo ng Bagyong Yolanda sa Visayas region.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos saa paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Bagyong Yolanda sa Tacloban City, sinabi nito na dapat na hindi kasi nakapasa sa pamantayan ang mga pabahay na ipinagawa noon.

Ipinag-utos din ni Pangulong Marcos sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na isama na palagi sa anumang programa, at pagdi desisyon ang aspeto ng climate change dahil hindi na aniya ito maiiwasan.

Sabi ni Pangulong Marcos, bagama’t 10 taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang trahedya, marami pa ang kailangan na gawin.

Kinilala din ni Pangulong Marcos ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan ng Tacloban City at iba local gobernment units maging ang non-government organziations sa pagtulong sa emergency evacuation plans pati na sa rehabilitasyon.

Mahalaga aniyang ipagpatuloy lamang ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga hakbang at programang makatutulong para magkaroon ng mas matatag na mga komunidad laban sa climate change.

“Let us continue to work hard so that we can provide them with the tools and the resources to rebuild their lives,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Your endeavors to establish emergency evacuation SOPs and emergency response teams are noteworthy and serve as examples for other local governments around the country. Equally important is your collective action to protect and rehabilitate your communities through reforestation, river embankment and stabilization, and other environmental conservation programs,” dagdag ni Pangulong Marcos.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Pabahay, Radyo Inquirer, tacloban, titulo, Visayas, yolanda, Ferdinand Marcos Jr., news, Pabahay, Radyo Inquirer, tacloban, titulo, Visayas, yolanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.