Prostitution den sa Parañaque City sinalakay, 16 nailigtas
Nagsanib puwersa ang Philippine Amusement and Gaming Corp.(PAGCOR), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Southern Police District (SPD) sa isinagawang anti-human trafficking operation sa Paranaque City kagabi.
Naaresto sa naturang operasyon sa Sinocan Building sa Barangay Tambo ang dalawang indibiduwal, isang alias Han at isang alias Sun.
Sa paunang impormasyon, nadiskubre sa ika-pitong palapag ng gusali ang isang prostitution den at 16 na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking ang nailigtas.
Sinabi ni SPD director, Brig. Gen. Mark Pespes na mahaharap ang dalawang inaresto sa mga kasong may kaugnayan sa human-trafficking.
Tiniyak din niya na magpapatuloy ang pagsasagawa nula ng mga operasyon laban sa mga ilegal na aktibidad sa kanilang nasasakupan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.