Karagdagang 40 Filipino pa ang nakalabas na ng Gaza Strip sa pamamagitan ng Rafah Crossing sa Egypt.
Ito ang ibinahagi ni Ayon kay Pangulong Marcos Jr. at aniya agad na rin pauuwiin dito sa banasa ang 40 Filipino sa mga susunod na araw.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos Jr. sa Department of Foreign Affairs (DFA) at mga embahada sa Israel, Jordan at Egypt dahil sa ligtas na pag-alis ng 40 Filipino.
“Ikinagagalak kong ibalita na 40 sa ating mga kababayan ay ligtas at matagumpay na nakatawid ng Rafah crossing sa Egypt. Sila ngayon ay patungo sa Cairo, kung saan sila magmumula para makauwi nang tuluyan sa ating bansa sa susunod na mga araw,” sabi ni Pangulong Marcos sa isang video message.
Dagdag din niya: “Nagpapasalamat din tayo sa mga pamahalaan ng Israel at Egypt sa kanilang pagbibigay-prayoridad sa ating mga kababayan upang makalabas ng kanilang teritoryo. Kinikilala din natin ang mediation effort ng Qatar na siyang naging dahilan upang magbukas muli ang mga borders ng mga naturang bansa.
“Umaasa si Pangulong Marcos na makalalabas din sa lalong madaling panahon ang mga natitirang Filipino sa Gaza na naiipit sa gulo sa pagitan ng Israel at Hamas.
“Umaasa akong ang natitirang kababayan na nagnanais ding makauwi ay makakatawid din nang maayos, kasama ang kanilang mga asawa at mahal sa buhay. Magbibigay uli ang aking tanggapan ng kaukulang balita tungkol sa mga pangyayaring ito. Maraming salamat,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.