Silang (Aguinaldo) Interchange ng CALAX bukas na, free toll muna
Simula ngayon araw magagamit na ang Silang (Aguinaldo) Interchange ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX), ayon sa MPCALA Holdings Inc. (MHI).
Inaasahan na ang 3.9 kilometrong 2×2 lane subsection ay makakadagdag pa sa maginhawang pagbiyahe ng mga motorista sa rehiyon.
Nabatid na libre pa ang paggamit sa bagong bukas na bahagi ng CALAX.
“We’re thrilled about this CALAX expansion, which will not only make life easier for our motorists but also boost the local economy. By providing a quicker and more convenient route to popular destinations in Cavite, we’re creating opportunities for businesses to thrive and for families to make the most of their time together,” sabi ni MHI president and general manager Raul Ignacio.
Kumpiyansa ang MHI na mapapaluwag ng Silang (Aguinaldo) Interchange ang mga pangunahing kalsada sa Cavite at mapapabilis ang pagbiyahe sa Tagaytay City at bayan ng Silang.
Bukod dito, inaasahan na 5,000 motorista kada araw ang makikinabang sa bagong bukas na interchange.
Sa susunod na taon, aabot na sa 45 kilometro ang haba ng CALAX at magkakaroon na ito ng walong interchanges, sa Technopark, Laguna Boulevard, Santa Rosa-Tagaytay Road, Silang East, Silang (Aguinaldo), Governor’s Drive, Open Canal, at Kawit Interchange.
Kapag natapos, konektado na ang CALAX sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa Kawit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.