Suplay ng tubig sa ilang barangay sa Makati City mawawala mamayang gabi

By Jan Escosio November 08, 2023 - 07:44 AM

INQUIRER PHOTO

Simula alas-8 mamayang gabi hanggang alas-7 ng umaga bukas ay mawawalan ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng siyam na barangay sa Makati City, ayon sa Manila Water.

Tinatayang 45,136 kabahayan ang maapektuhan sa pagkawala ng tubig sa buong barangay ng Sta. Cruz, La Paz, San Antonio at Pio del Pilar.

Ilang bahagi din ng Barangays Singkamas, Tejeros, San Lorenzo, Bel-Air at Poblacion ang maaapektuhan.

Ayon pa sa Manila Water magsasagawa ng interconnection ng 900-mm diameter steel pipe sa E.Pascua St., sa may Barangay Carmona.

Magpapadala naman ng water tankers ang Manila Water sa mga apektadong lugar habang isinasagawa ang naturang aktibidad.

Inabisuhan din ang mga residente na maaring maging iba ang kulay ng tubig ilang minuto matapos maibalik ang suplay.

TAGS: makati city, manila water interruption, makati city, manila water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.