Senyor Agila, 12 iba pa inaresto ng NBI sa Senado

By Jan Escosio November 07, 2023 - 06:51 PM

SENATE PRIB PHOTO

Nasa kustodiya na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) si Jey Rence Quilario alias Senyor Agila, ang itinuturong lider ng itinuturing na kultong Socorro Bayanihan Services Inc., (SBSI).

Isinilbi ng NBI kay Quilario at sa 12 pang pinnuno at miyembro ng SBSI ang warrant of arrest na inisyu laban sa kanila ng regional trial court Branch 31 sa Dapa, Surigao del Norte.

Bago ang pagtatapos ni Sen. Ronald dela Rosa, ang namumuno sa Committee on Public Order, sa pagdinig ay inanunsiyo na ang gagawing pag-aresto kay Quilario at sa kanyang mga kasamahan sa SBSI.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 sina Quilario.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sana sa kanilang pansamantalang paglaya.

Bago ito, binawi na rin ng komite ni dela Rosa ang pag-contempt kina Quilario, dating Socorro Mayor Mamerto Galanida, Karen Sanico at Janeth Ajoc upang mailipat sila sa kustodiya na ng NBI.

Tinapos na rin ni dela Rosa ang pagdinig sa mga alegasyon ng systematic rape, sexual abuse, trafficking, forced labor, at child marriage sa sinasabing kulto.

 

TAGS: contempt, hearing, NBI, Senate, contempt, hearing, NBI, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.