Pinoy scam victims sa Italy pinasasaklolohan ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio November 07, 2023 - 06:19 PM

OSBG PHOTO

Hiniling ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga awtoridad na imbestigahan recruitment scam na nakabiktima ng higit 400 Filipino sa Italy.

Kasunod na rin ito nang pagkilos ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Philippine consulate sa Milan para mabigyan katarungan ang mga nabiktima ng Alpha Assistenza SRL.

“Kailangan nating siguraduhin na ang bawat Pilipino, nasaan man sa mundo, ay protektado at hindi biktima ng panloloko. Hindi natin papayagan ang ganitong klaseng krimen lalo na kung ang OFWs na tinuturing pang bagong bayani ang bibiktimahin,” sabi ng senador.

Hinikayat ni Go ang DMW, ang Department of Justice (DOJ) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bigyan tulong ang mga Filipino na nabiktima ng illegal recruitment at human trafficking.

Nagpahayag pa ng kahandaan ang senador na makibahagi kung magsasagawa ng pagdinig sa Senado ukol sa isyu.

 

 

TAGS: DFA, DMW, DOJ, go, human trafficking, illegal recruitment victims, DFA, DMW, DOJ, go, human trafficking, illegal recruitment victims

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.