Biyaheng Amerika si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Nobyembre 14 hanggang 20.
Ito ay para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa San Francisco.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Charles Jose, gagawin ang APEC sa Noyembre 15 hanggang 17.
Magkakaroon aniya ng bilateral meeting si Pangulong Marcos sa ibang world leader.
Gayunman, hindi pa matukoy ni Jose kung sino ang makakapulong ni Pangulong Marcos dahil inaayos pa ang iskedyul.
Itutulak aniya ni Pangulong Marcos ang mga interes ng Pilipinas gaya ng mas malalim na ugnayan sa kalusugan at tiyakin na maayos ang pagtrato sa mga Filipino health professionals.
Ididiga rin ni Pangulong Marcos ang digitalization para sa micro, small, medium enterprises, food at energy security, research and development, climate change, at iba pa.
Pagkatapos nito ay tatawid si Pangulong Marcos sa Los Angeles para Filipino community, APEC business advisory council at business leader roundtable discussion.
Ayon kay Jose, pagkatapos sa Los Angeles, magtutungo si Pangulong Marcos sa Hawaii para kausapin ang Filipino community at dadalo sa Indo-Pacific command round table discussion.