Gov’t offices magtitipid sa paggamit ng enerhiya dahil sa gulo sa Israel

By Chona Yu November 07, 2023 - 03:40 PM

 

 

Pinag-aaralan na ngayon ang pagtitipid sa paggamit ng enerhiya sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ito ay dahil sa nangyayaring gulo sa Gaza sa pagitan ng puwersa ng Israel at Palestine.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni National Economic and Development Authority Undersecretary Rosemarie Edillon, pangunahing sinisiguro ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers.

“We have actually done several scenarios na ‘no with respect to this Israel-Hamas war. And actually, even World Bank has also done their calculations. Right now, the consensus is that it will be contained – that’s the general consensus,” pahayag ni Edillon.

“But in the event that it escalates, again, very clear tayo sa priorities natin. Number one is to make sure that our OFWs there are safe, that we can bring them back safely. And then, number two, kaya pinag-uusapan na rin, kailangan natin ng mga energy conservation measures, beginning with those in government,” dagdag ni Edillon.

Sabi ni Edillon, maraming energy power plants at transmission projects ang matatapos na ngayong taon o sa susunod na taon.

Ayon kay Edillon, mahigpit ang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siguruhin na maayos ang mga pasilidad para sapat ang suplay ng enerhiya sa bansa.

“So if that’s the case, then mami-maintain natin na limited iyong magiging impact sa atin. But like I said, priority pa rin talaga natin iyong safety ng mga OFWs natin,” pahayag ni Edillon.

 

TAGS: Hamas, israel, neda, news, Palestine, Radyo Inquirer, Hamas, israel, neda, news, Palestine, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.