Dalawamput tatlong senador ang bumoto pabor sa Senate Bill 2426 o ang Tatak Pinoy Strategy Act.
Sa panukala, iaangat ang “global quality” ng mga produktong gawa sa Pilipinas, partikular na ang mga mula sa maliliit na negosyo.
Nakasaad sa panukala, na magiging prayoridad sa pagbili ng mga pangangailangan ng mga ahensiya ng gobyerno ang domestic products.
Nasa panukala din ang pagbuo ng isang konseho na mangangasiwa at titiyak na masusunod ang batas nang sa gayun ay matutulungan ang mga lokal na negosyo at hindi aasa sa mga dayuhang produkto.
Pamumunuan ng kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) ang konseho, gayundin ng namumuno sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance (DOF).
Tiwala si Sen. Sonny Angara, ang awtor at sponsor ng batas, na makakalikha ng mga karagdagang trabaho at oportunidad sa mga Filipino ang Tatak Pinoy bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.