Pagpasa sa Legislated Wake Hike bill posibleng Christmas gift sa private workers – Zubiri

By Jan Escosio November 07, 2023 - 01:52 PM
May posibilidad na matalakay sa plenaryo  ang isinusulong na Legislated Wage Hike bill bago ang Christmas break ng Senado.   Sinabi ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri base na rin sa pakikpag-usap niya kay Sen. Jinggoy Estrada, ang namumuno sa Committee on Labor.   Dagdag pa ni Zubiri na ang pagpasa sa naturang batas ang maaring maibigay nilang Christmas gift sa mga manggagawa.   Ang namumuno sa Senado ang mismong naghain ng panukala para sa P150 wage hike sa mga nagta-trabaho sa pribadong sektor.   Samantala, ibinahagi ni Zubiri na magiging masaya ang mga kawani ng Senado ngayon Kapaskuhan dahil sa matatanggap nilang Christmas bonus.   Ito aniya ay munting pagkilala sa dedikasyon sa trabaho ng Senate employees.   Inihayag ito ni Zubiri kasabay nang pagpapailaw sa Christmas Tree at Christmas lights sa Senate Building.

TAGS: Migz Zubiri, news, Radyo Inquirer, wage hike, Migz Zubiri, news, Radyo Inquirer, wage hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.