DOTr tiniyak kay PM Kishida: Dekalidad na training handog ng PRI sa mga railway engineer, technician

By Chona Yu November 07, 2023 - 01:15 PM
Sa ilalim ng Build Better More campaign ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tiniyak ng Department of Transportation kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang dekalidad na training o pagsasanay ng mga engineer, operator at technician sa Philippine Railways Institute o PRI. Sa isang briefing ni Undersecretary for Railways Cesar Chavez, ipinaalam kay Prime Minister Kishida na patuloy ang pagsasagawa ng training sa PRI bilang paghahanda sa pagbubukas ng MRT-7 sa taong 2025. Sa naganap na inspeksyon ni Prime Minister Kishida sa PRI train simulator room, pinatunayan ni Chavez na handa ang Pilipinas na palakasin ang kakayahan ng mga Pilipino sa pagpapatakbo ng railway systems nito. Bukod kay Prime Minister Kishida, kasama rin sa briefing sina Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko, Special Advisor to the Prime Minister Dr. Masafumi Mori, at Japanese Vice Minister for International Affairs Atsushi Uehara. Iginiit din ni Chavez ang mahalagang papel ng Philippine-Japan relations sapagkat sumailalim sa masusing pagsasanay ang mga propesor ng PRI mismo sa Japan. Nagpasalamat din ang Transport official sa donasyon ng Japan sa state-of-the-art train simulator room para sa PRI, na mismong ginamit ni Prime Minister Kishida habang siya ay nagsasagawa ng inspeksyon. Bukod sa train simulator room, ininspeksyon din ng Prime Minister ang tunnel boring machines sa Metro Manila Subway Depot sa Valenzuela City. Limang railway projects ang kasalukuyang nakikinabang sa tulong pinansyal ng Japan na nagkakahalagang 1.315 trillion yen. Kasama rito ang LRT Line 1 Cavite Extension, LRT Line 2 East Extension, MRT Line 3 Rehabilitation and Maintenance, North-South Commuter Rail System at  Metro Manila Subway Project.

TAGS: Cesar Chavez, Japan, kishida, news, Radyo Inquirer, railway, Cesar Chavez, Japan, kishida, news, Radyo Inquirer, railway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.