Inflation bumagal sa 4.9 percent sa buwan ng Oktubre

 

Bumagal ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 4.9 percent lamang ang inflation noong buwan ng Oktubre, mas mababa ito kumpara sa 6.1 percent na naitala noong Setyembre.

Sabi ng PSA, ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation ay ang mabagal na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages.

Nakatulong din sa pagbagal ng inflation ay ang pagbaba ng presyo ng bigas.

Maging ang restaurants at accommodation services ay nakatulong din sa pagbagal ng inflation.

Read more...