Romualdez dinepensahan ang Kamara at mambabatas sa mga banta, kritiko

By Jan Escosio November 07, 2023 - 08:41 AM

Photo credit: House Speaker Martin Romualdez/Facebook
Ipaglalaban ni House Speaker Martin Romualdez ang Kamara at mga kapwa mambabatas laban sa mga banta at paninira ng mga kritiko.   “Walang personalan, trabaho lang,” sabi ni Romualdez.   Sinabi nito na nais lamang ng ilang personalidad na guluhin at sirain ang trabaho nilang mga mambabatas.   “Tatayo ako sa laban sa sinuman na mananakot sa atin para masunod lamang ang gusto nila. Titindig ako – tayong lahat – para sa kapakanan ng bayan,” mensahe ni Romualdez sa mga kapwa mambabatas.   Binanggit pa niya na bagamat magkakaiba ang kanilang mga paniniwala at pananaw, nagkakaisa sila na dedepensahan ang kanilang institusyon sa lahat ng masasamang motibo.   Dinepensahan din niya ang mga ginawang hakbang ng Kamara ukol sa pambansang pondo sa susunod na taon.   Pagtitiyak niya hindi sila naging maluwag sa pagsuri ng pondo ng mga ahensiya at wala din silang pinaboran.

TAGS: Martin Romualdez, news, Radyo Inquirer, speaker, Martin Romualdez, news, Radyo Inquirer, speaker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.