Apat na agri-tech solution projects aprubado ng NEDA
Aprubado na ng National Economic Development Authority ang apat na agri-tech solution projects.
Nasa P100 milyong pondo ang inilaan ng NEDA sa mga proyekto na layuning pataasin ang food productivity ng bansa.
Kabilang sa inaprubahan ang alternative onion storage system na gamit ay kontroladong temperatura at automatic air flow mechanism.
Likha ng Occidental Mindoro State College ang naturang proyekto kung saan isang isang warehouse na may air blow storage system ang ipatatayo para mapahaba ang life span ng mga sibuyas o hindi madaling mabulok.
Inaprubahan din ng NEDA ang Project Geomap: Geospatial Mapping and Information System for Precise Farming and Smart Agriculture na mula naman sa Samar State University.
Aprubado ring pondohan ang Tabu, isang mobile application bilang isang e-commerce tool para sa agricultural industry mula sa Eastern Visayas State University.
Aprubado rin ang artificial intelligence para sa Impact Based Forecasting at Early Warning System para sa inclusive finance at pagpapalakas ng local economic development sa rice based farming communities.
Ayon sa NEDA, ang mga proyektong ito ay nagsusulong ng mga solusyon sa sektor ng agikultura para sa paghahanda sa kalamidad at pag-preserba ng kultura at kasaysayan na nagpapakita ng pagiging malikhain ng mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.