62% ng mga Pinoy, naniniwala na nasa tamang direksyon ang Marcos administration
By Chona Yu November 06, 2023 - 03:02 PM
Anim sa bawat 10 Filipino ang nagsabing nasa tamang direksyon ang pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang lumabas sa survey na ginawa ng OCTA Research base sa kanilang pinakahuling Tugon ng Masa na ginawa mula September 30 hanggang October 4, 2023.
Sabi ng survey, 62% ng mga Filipino ang naniniwala na nasa tamang landas ang pamahalaan at nagagawa nito ang mga programang pinakikinabangan ng mga tao.
Nasa 20% naman ng mga sumali sa survey ang hindi bilib sa palakad ng pamahalaan.
Sa lahat ng mga rehiyon na tinanong, ang mga taga-Mindanao ang pinakananiniwalang nasa tamang direksyon ang gobyerno kung saan 70% ang positibong tumugon.
Sinundan ito ng mga taga Metro Manila na nasa 69%, Visayas na may 58% at Balance Luzon na Nay 57%.
Sa 20% na hindi bilib sa pamahalaan, pinakamarami ang naitala sa Visayas na nasa 23%.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.