IRR sa Maharlika Investment Fund naisapinal na

By Chona Yu November 06, 2023 - 02:58 PM

 

Naisapinal na ng pamahalaan ng implementing rules and regulations (IRR) sa Maharlika Investment Fund.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. naisapinal ang IRR matapos ang pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang.

Sabi ni Pangulong Marcos, matapos ang IRR, agad na itatag ang corporate structure para agad na maging operational na ang MIF.

“The Implementing Rules and Regulations of Maharlika Investment Fund have been finalized. Upon our approval, we’ll swiftly establish the corporate structure, getting the MIF up and running,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Matatandaang ipinangako ni Pangulong Marcos na aarangkada ang MIF bago matapos ang taong kasalukuyan.

Ilang beses nang ibinida ni Pangulong Marcos ang MIF sa mga dayuhang mamumuhunan.

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., final, Investment, IRR, Maharlika, news, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., final, Investment, IRR, Maharlika, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.