SSS nagbabala sa bagong uri ng text scam

By Jan Escosio June 29, 2016 - 08:26 PM

SSS UMID
Photo: Den Macaranas

Binalaan ng Social Security System ang publiko partikular na ang kanilang mga miyembro kaugnay sa kumakalat na bagong text scam.

Base sa abiso ng SSS, ang text scam ay may kinalaman sa kanilang Unified Multipurpose Identification System o UMID card.

Sa kumakalat na text inaalok ng tulong ang mga miyembro para mapabilis ang pag-proseso ng kanilang mga UMID card kapalit ng P100.

Posibleng umanong manakaw ang mga impormasyon ng isang SSS member kapag siya kumagat sa patibong ng mga taong nasa likod ng nasabing operasyon.

Paglilinaw ng SSS wala silang rush application para sa UMID at hindi sila kumokolekta ng bayad gayundin ang pagproseso ay first in first out basis.

Ang mga makakatanggap ng panlolokong text ay inaabisuhan na makipagugnayan sa pinaka-malapit na tanggapan ng SSS.

TAGS: sss, text scam, umid cards, sss, text scam, umid cards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.