Pinayagan nang makaalis sa Gaza sa Israel ang 20 Filipino bukas. Oktubre 5
Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, dadaan sa Rafah crossing ang mga Filipino at magtutungo sa Egypt.
“The first batch of Filipinos leaving Gaza will be leaving tomorrow (November 5) – there’ll be 20 of them and afterwards, it could be the next day or in the next two days. I would have to update you on that… a batch of 23, we want it to be higher hopefully,” sabi ni de Vega.
“But so far, only 43 now of the Filipinos have signified that they definitely want to leave Gaza at any moment. However, all of them have the exit permit. And again, the reason why it’s only 43, it’s because a lot of them do not want to leave their Palestinian spouses or parents,” dagdag ni de Vega.
Ayon sa opisyal, nasa 23 na Filipino ang susunod na batch na aalis sa Gaza
Nasa 30 slots aniya ang available para sa mga aalis sa Gaza. Sabi ni de Vega kung hindi mapupuno ng mga Filipino ang 30 slots, maaring ibigay ito sa ibang nationals.
Sa kabuuan, sinabi ni de Vega na 43 ang maaring makalabas sa Gaza bukas o sa mga susunod na araw.
Kapag dumating na aniya sa Egypt ang mga Filipino, agad itong ipo-proseso ng Philippine embassy sa Cairo.
“They (Embassy) are ready… we’ll bring them to Cairo and within 72 hours, they will be required to leave because it’s only a transit visa they are getting,” pahayag ni de Vega.
Nasa 134 na Filipino ang nasa Gaza at lahat naman ay accounted for.