VP Binay naiyak sa pagpapa-alam sa kanyang security detail

By Den Macaranas June 29, 2016 - 05:17 PM

binay boodle
Inquirer file photo

Hindi napigil ni outgoing Vice President Jejomar Binay ang maiyak habang nagpapasalamat sa  mga miyembro ng Vice Presidential Security Group na kanyang nakasama sa loob ng anim na taon.

Sa panayam, sinabi ni dating Makati City Mayor Junjun Binay na ginanap kahapon ang huling pananghalian kasama ang mga miyembro ng security detail ni VP Binay.

Makaraan ang kanilang boodle fight sa Coconut Palace ay nagsalita ang pangalawang pangulo kung saan ay isa isa niyang pinasalamatan ang kanyang security team pati na rin ng kanyang buong pamilya.

Sinundan ito ng pagbibigay ng certificate of appreciation at simpleng regalo.

Hindi rin napigilang mapaluha ng ilan sa kasapi ng security group ni Binay na galing sa ibat’t ibang mga major service units ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa pagtatapos ng panunungkulan ni Binay bukas bilang ikalawa sa pinaka-mataas na lider ng bansa ay malilipat na rin ng assignment ang mga sundalong itinalaga para sa kanyang seguridad.

TAGS: AFP, binay, boodle fight, vice president, vice presidential group, AFP, binay, boodle fight, vice president, vice presidential group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.