Gazmin pabor sa emergency power para durugin ang Abu Sayyaf

By Ruel Perez June 29, 2016 - 05:08 PM

gazmin
Inquirer file photo

Pabor si outgoing Defense Secretary Voltaire Gazmin sa panukalang bigyan ng emergency power pero sa limitadong panahon si incoming president Rodrigo Duterte para wakasan ang problema sa Abu Sayyaf Group (ASG).

Sa pamamagitan ng emergency power ayon kay Gazmin ay magkakaroon ng kapangyarihan ang pangulo ng gaya ng martial law.

Sa ilalim nito, magagawa umano ng militar na pasukin ang mga bahay na pinaniniwalang pinagtataguan ng mga bandido kahit walang search warrant.

Kaugnay nito, giit ng kalihim na kailangan na himukin ng pangulo ang mga local government officials na makipagtulungan sa para masugpo ang ASG.

Dagdag pa ni Gazmin, kailangan din daw na magtakda ang pangulo ng mga kaukulang parusa laban sa mga local officials na mapapatunayang tumutulong sa mga bandido.

TAGS: Abu Sayyaf, duterte, Gazmin, Abu Sayyaf, duterte, Gazmin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.