LTO nagpakalat ng mystery colorum drivers

By Chona Yu October 31, 2023 - 03:05 PM

Inquirer file photo

 

Nagpasalamat ang grupong ‘Magnificent 7’ kay Land Transportation Office chief Vigor Mendoza II at Transportation Secretary Jaime Bautista.

Ito ay dahil sa pagiging agresibo ng dalawang opisyal para labanan ang illegal na operasyon ng mga colorum na public utility vehicles (PUVs).

Ayon sa ‘Magnificent 7’, matagal nang problema ng kanilang hanay ang colorum.

“Inaasahan ng mga legitimate transport groups yung nawawalang 30% sa aming hanay ay mababawi sa seryosong kampanya ni Assec Vigor D. Mendoza II at Secretary Jaime J. Bautista laban sa kolorum,” pahayag ng grupo.

Una rito, nagpakapalat si Mendoza ng mga mystery colorum drivers para masiguro na maayos na naipatutupad ang operasyon laban sa mga colorum.

“Our aggressive drive against colorum PUVs will come with the effort on the part of the LTO to ensure the integrity of this campaign. Hindi dapat maging oportunidad ito para sa mga tiwaling tao para sa anumang extortion activities,” pahayag ni Mendoza.

Sinabak na ni Mendoza ang anim na LTO traffic enforcers at pinakakasuhan ng criminal at administrative charges.

“Walang second chance second chance dito. Kapag nahuli kayo, titiyakin ko. na tanggal kayo sa LTO dahil ang pangalan ng LTO at ang kabuhayan ng mga libo-libong mga matitinong kapatid natin sa transport sector ang nakasalalay dito ,” pahayag ni Mendoza.

Sabi ni Mendoza, palalawakin pa ng LTO ang deployment ng mystery colorum drivers at gagawin ito sa buong bansa.

 

 

TAGS: colorum, drivers, lto, news, Radyo Inquirer, colorum, drivers, lto, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.