Pangulong Marcos binati ang mga atletang nanalo sa Asian Para Games

By Chona Yu October 31, 2023 - 07:43 AM

 

Binati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga nanalong atletang Filipino sa ika-apat na Asian Para Games sa China.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Pangulong Marcos na kahanga-hanga ang naging performance ng koponan ng Pilipinas matapos humakot ng medalya at makamit ang ika-9 na pwesto sa torneo.

Sinabi ni Pangulong Marcos na dahil sa impresibong tagumpay ng mga atleta ay hindi matatawaran ang karangalan na ibinigay ng mga ito sa Pilipinas.

Labing-siyam na medalya ang nasungkit ng Pilipinas sa sa Para Games ngayong taon, na may sampung ginto, apat pilak, at limang tanso.

 

TAGS: Asian Para Games, bongbong marcos, China, news, Radyo Inquirer, Asian Para Games, bongbong marcos, China, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.