Pangulong Marcos sa mga nahalal na Barangay at SK officials: Maging tapat sa lahat ng oras

By Chona Yu October 31, 2023 - 07:20 AM

Binati ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng mga bago at muling nahalal na punong barangay at Sangguniang Kabataan officials.

Kasabay nito, hinimok ni Pangulong Marcos ang mga nahalal na opisyal na maging tapat sa lahat ng oras.

Payo ni Pangulong Marcos, unahin lagi ang kapakanan ng mamamayan na siyang dahilan kung bakit gustong magsilbi ng mga nahalal.

 

https://x.com/bongbongmarcos/status/1719113536402608167?s=20

 

Base sa ulat na natanggap ni Pangulong Marcos mula kay Commission on Elections chairman Erwin Garcia, naging maayos ang katatapos na BSKE kaya naman nagpasalamat ito sa mga tumulong.

Una nang binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng barangay officials na aniya’y siyang kaharap ng mga tao sa araw-araw.

Ang mga ito aniya ang tinatakbuhan para makatulong sa mga problema.

 

 

TAGS: Barangay at SK Elections, bongbong marcos, news, Radyo Inquirer, Barangay at SK Elections, bongbong marcos, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.