Planong tawaging Sea of Asia ang WPS kinontra ni Estrada, Poe sinabing pag-aralan muna

Para kay Senator Jinggoy Estrada na panatilihin na lamang ng West Philippine Sea (WPS) na bansag sa bahagi ng South China Sea na malinaw na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“Ang katagang ito ay sumasalamin sa legal na pag-angkin natin sa teritoryong ito. The Hague-based UN-backed Permanent Court of Arbitration ruled overwhelmingly in our favor in determining China’s claims as unlawful,” aniya.

Sinabi pa niya na wala naman pumipigil sa Pilipinas sa paggawa ng mga legal na hakbang sa pagkasira ng mga yaman-dagat sa loob ng ating teritoryo base na rin sa  United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“Malaki ang tiwala ko na masusing pinag-aralan ang kasong planong isampa laban sa China sa pagsira ng corals at iba pang diumano’y environmental crimes sa West Philippine Sea at kasama na dito ang kaso na naipanalo na natin noong 2016,” sabi pa ng senador.

Samantala, para kay Sen. Grace Poe makakabuti na pakinggan din ang paliwanag, opinyon at suhestiyon ng international maritime experts ukol sa plano na nabanggit ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla.

“We will rely on the experts to address the proposal on the nomenclature change. Any initiative must not diminish our territorial claims in the disputed sea.  We must preserve our rights to the Philippines’ exclusive economic zone,” aniya.

Sinabi pa niya na suportado niya ang plano ng gobyerno na pormal na ireklamo ang China dahil sa pagkasira ng yaman-dagat sa WPS na inaangkin ng huli.

Nabanggit ni Remulla sa 2024 plano nilang tawagin na Sea of Asia ang WPS sa pagsasampa ng mga reklamo laban sa China.

Read more...