Kinailangan na ipatigil ng Commission on Elections (Comelec) ang botohan sa dalawang polling precincts sa Puerto Princesa City sa Palawan dahil sa paglusob ng mga tagasuporta ng isang pulitiko.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia itinigil ang botohan sa Puerto Princesa Pilot Elementary School dahil pinunit ng nga lumusob ang mga opisyal na balota.
Naaresto naman ng awtoridad ang mga suspek at iniimbestigahan na sila para sa pagsasampa ng mga kinauukulang kaso.
Nabatid na pinabalik na lamang ang mga hindi pa nakaboto ngayon alas-3 ng hapon at gagamit na lamang ng mga balota sa ibang presinto.
Inaalam na rin ang motibo o ang dahilan na nagtulak sa mga suspek para sirain ang mga opisyal na balota.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.