Libu-libong mga pulis naka-deploy na para sa inagurasyon nina Duterte at Robredo

pnp
Inquirer file photo

Bumuo na ng isang task force ang Philippine National Police para mangasiwa sa ipatutupad na seguridad bukas kaugnay ng natakdang panunumpa sa posisyon ng bagong Pangulo Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Wilben Mayor, ang Task Force Panunumpa 2016 ang siyang maglalatag ng mga kailangang seguridad bukas.

Pangunahin dito ang pagbabantay sa paligid ng Malacañang kung saan gagawin ang panunumpa ni Duterte, sa Boracay Mansion sa New Manila Quezon City para naman kay Robredo, at sa bahagi ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay na pagdadalhan sa mga panauhin.

Babantayan din ang bahagi ng Quezon City Circle kung saan inaasahan ang pagtitipon ang mga mga supporters ni Robredo na magdadaos ng isang programa.

Pamumunuan ang Task Force Panunumpa 2016 ni Deputy Director Gen. Francisco Uyami at NCRPO Director Joel Pagdilao bilang kanyang deputy.

Sa ngayon ay nanatiling nasa heightened alert ang PNP pero ipinauubaya na umano nila sa NCRPO ang pagpapasya kung kinakailangang magtaas pa ng alerto para sa panunumpa bukas.

Read more...