Dalawa katao patay sa pamamaril sa Maguindanao

 

Patay ang dalawa katao habang sugatan ang tatlong iba matapos ang insidente ng pamamaril sa mismong araw ng eleksyon sa Brgy. Bugawas, Datu Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Brigadier General Allan Nobleza, regional director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao’s police office, nangyari ang insidente kaninang 6:00 ng umaga bago pa man magbukas ang mga presinto.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga sugatan para malapatan ng lunas.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis kaugnay sa nasabing insidente.

 

 

Read more...