Marcos: Barangay election salamin sa national election
Maagang nagtungo sa presinto sa Barangay Lacub, Batac City, Ilocos Norte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para bomoto sa Barangay election.
Nakasuot ang Pangulo ng kulay asul na polo at nagtungo sa Precinct 0036A, Cluster Number 0036A sa Mariano Marcos Memorial Elementary School (MMMES) sa Lacub.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng Barangay election.
Sabi ni Pangulong Marcos, salamin kasi ang Barangay election sa national election.
Kaya aniya mainit ang Barangay election dahil masyadong personal sa mga kandidato ang botohan.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi maituturing na maliit na bagay ang Barangay election at hindi dapat balewalain dahil salamin ito sa national election lalo na sa paparating na midterm election sa May 2025.
Paliwanag ng Pangulo ang mga barangay kasi ang malalapitan para sa kailangang boto ng mga national candidates kalaunan.
“I cannot overstate the importance of the results of the barangay elections. It’s very simple, I mean the political dynamic is very simple. If, halimbawa, if you’re running for mayor and the majority of the barangay officials are on your side, are helping you, ay talagang malaking bagay iyon. It will make it much easier to be elected at the local level,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“But this applies all the way up to the national level at hanggang sa mga – for the midterm elections, for example, what happens here in the barangay elections, the results of the barangay elections today are going to have an effect on the results of the mid-term elections and then subsequently in the national elections,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.