BH Rep. Herrera ibinilin na iboto ang “true action people” sa BSKE
Isang araw bago ang Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE), hinikayat ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera ang mga botante na piliin ang mga kandidato na may tunay na dedikasyon sa pagsisilbi sa kapwa at may na hangarin na mapa-unlad ang komunidad.
Ani Herrera napakahalaga at kritikal ang ginagampanan ng mga opisyal ng barangay.
“Barangay officials are the frontliners of public service. They are the ones who directly address the needs of our communities. Therefore, it is imperative that we choose leaders who are not just talkers but true performers and doers,” pagpupunto ng mambabatas.
Napakahalaga aniya na makilatis ng husto ang mga kandidato sa katuwiran niya na sa kanila nakasalalay ang tunay at totoong pagbabago.
“We need leaders who have a vision and the capability to turn that vision into reality. This is the time for us to break away from traditional politics and prioritize competence and dedication,” diin pa nito.
Dagdag pa ni Herrera hindi dapat magpabulag sa mga mahuhusay na talumpati at huwag magpadala sa mga pangako.
“Let’s choose barangay officials who are not afraid to roll up their sleeves and work for the betterment of our communities. Together, we can build a stronger and more prosperous nation,” dagdag bilin pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.