Naglabas ang Office of the President ng memo kung saan pinapayagan ang work from home arrangement para sa mga empleyado ng gobyerno at online classes sa mga pampublikong paaralan sa Martes, October 31.
Sa memorandum circular No. 38 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na ang hakbang na ito ay para mabigyan ng buong pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaan na gunitain ang Undas sa November 1 t para makapagbiyahe ang mga ito sa ibat ibang rehiyon sa bansa.
Pero nilinaw ni Bersamin na hindi kasama rito ang mga ahensya ng pamahalaan na ang tungkulin ay may kinalaman sa pagbibigay ng basic and health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad.
Ipinauubaya naman ng Palasyo sa mga pribadong kumpanya at mga paaralan ang pasya kung magpapatupad ng kahalintulad na work arrangement at klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.