Positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang ilang baybayin sa bansa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, positibo sa red tide ang Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan); coastal waters ng Pilar; President Roxas; Roxas City sa Capiz; coastal waters sa Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
Positibo rin sa red tide ang Lianga Bay sa Surigao del Sur at ang San Benito sa Surigao del Norte.
Pinapayuhan ang mga residente na huwag kumain ng Acetes sp. o alamang dahil hindi ito ligtas na kainin.
Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango.
Pero ayon sa BFRA, kailangan na hugasan at lutuing mabuti ang mga ito.
Kinakailangan din na tanggalin ang hasang at kaliskis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.