Oktubre 31 at Nobyembre 3 may pasok ayon sa Malakanyang

 

Fake news.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa kumakalat sa social media na holiday sa Oktubre 31 at Nobyembre 3.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, walang deklarasyon ang Palasyo na walang pasok sa mga nabanggit na petsa.

Una rito, idineklara ni Pangulong Marcos na walang pasok sa Oktubre 30 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Wala ring pasok sa Nobyembre 1 at 2 para naman sa Undas.

 

Read more...