Sa kaunaunahang pagkakataon, maibebenta ng lalawigan ng Cebu ang bigas mula National Food Authority (NFA) sa presyong P20 kada kilo bilang pagtupad sa plataporma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang naging anunsyo ni Cebu Governor Gwen Garcia sa plataporma ni Pangulong Marcos sa isang pormal na pagpupulong ng lahat ng alkalde sa kapitolyo ng lalawigan.
Iginiit ni Governor Garcia, lalawigan ng Cebu ang unang makapagbebenta ng NFA rice nang P20 kada kilo, ngunit iaalok muna ito sa mga mahihirap na pamilya.
Naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng Cebu ng pondong P100 milyon para makabili ng bigas sa NFA at saka ito ibebenta.
Ito ay alinsunod sa programa ni Pangulong Marcos sa NFA na bumili ng palay sa magsasaka sa mataas na presyo.
Matatandaan na malaki ang pasasalamat ng mga grupo ng magsasaka matapos tiyakin ni Pangulong Marcos na mananatiling “top priority” ang pagpapalakas ng agricultural productivity, kaakibat ng kanyang pangarap na hindi na iaasa ng Pilipinas sa import ang suplay ng pagkain nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.