Konsultasyon sa iba’t ibang grupo para sa Brgy elections, sinimulan na ng Comelec
Sinimulan na ng Commission on Elections o Comelec ang konsultasyon sa iba’t ibang sektor bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na Barangay elections sa Oktubre.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez layunin nito na mas mahikayat pa ang malaking bilang ng mga botante sa barangay elections, kasama na rito ang mga senior citizens, kababaihan, indigenous people, persons with dissabilities at LGBT upang masiguro ang tagumpay ng tinatawag na gender equality sa barangay elections.
Sa isinasagawang Comelec-Gender and Development Stakeholders consultative planning conference, naging panauhing pandangal ang kauna unahang nahalal na isang transgender na si Rep. Grraldine roman ng unang distrito ng bataan.
Ayon naman kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon na siyang pinuno ng GAD ng Comelec na nais nila ang pagkakaroon ng gender equality kaya hinihikayat nila na tumakbo ang mga babae upang maging tig-50% ang mga opisyal a pamahalaan na lalaki at babae.
Konsultasyon sa iba’t ibang grupo para sa Brgy elections, sinimulan na ng Comelec | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/W1hX2goSp2
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 29, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.