Mga pasahero dagsa na sa mga pantalan para makauwi sa mga probinsya

By Chona Yu October 26, 2023 - 11:11 AM

Photo credit: Coast Guard 

 

Umabot na sa 15,000 na outbound passengers ang dumagsa sa ibat ibang pantalan sa buong bansa.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nasa 12,000 naman ang inbound passengers.

Dagsa ang mga pasahero sa pantalan para makauwi sa kani-kanilang probinsya para sa Undas pati na sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Nasa mahigit 3,000 personnel naman ang ipinakalat ng PCG sa 15 district office para magsagawa ng inspeksyon sa 150 na barko at 127 na motorbancas.

Naka-heightened alert status na ang PCG mula noong Oktubre 25 at tatagal ng hanggang Nobyembre 6.

Pinapayuhan ang mga pasahero na dumulog kung may kailangan sa pinakamalapit na tanggapan ng PCG.

 

TAGS: news, pantalan, pasahero, philippine coast guard, Radyo Inquirer, Undas, news, pantalan, pasahero, philippine coast guard, Radyo Inquirer, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.