P50 bilyong pondo inilaan ng DBM para sa hospital at health facilities

By Chona Yu October 26, 2023 - 09:18 AM

 

Nasa P50 bilyong pondo ang inilaan ng Department of Budget and Management para sa operasyon ng mga regional hospital at healthcare facilities ng Department of Health.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, kukunin ang pondo sa 2024 natonal budget.

Sabi ni Pangandaman, ang panukalang pondo sa susunod na taon ay may pagtaas ng P1.31 bilyon mula sa kasalukuyang budget na  P48.44 bilyon.

Bunsod na rin ito ng mga pagsasaayos na ginawa sa Normative Financing ng mga ospital ng DOH, kabilang ang mga pondong kailangan para sa pagpapalawak ng mga Specialty Center.

Binigyang-diin ni Pangandaman na ang alokasyong halos P50 bilyon ay pagpapatunay ng pangako ng gobyerno na dagdagan ang mga kakayahan ng mga pangunahing pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan, pagtiyak sa kapakanan ng mga pamilyang Pilipino at pag-iwas sa mga potensyal na krisis sa kalusugan sa hinaharap.

“The allocation is part of government’s efforts to strengthen primary healthcare facilities in the country, ensure the health of Filipino families, and to avoid another health crisis,” pahayag ng kalihim.

Sa kanyang Budget Message, ipinunto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagpapanatili sa paggana ng mga ospital ng DOH sa Metro Manila, bilang karagdagan sa iba pang mga ospital at pasilidad ng DOH sa mga rehiyon.

Ang iminungkahing pondo ay ipapamahagi sa 68 mga ospital sa iba’t ibang rehiyo, kabilang ang National Capital Region, Rehiyon I hanggang X, at Rehiyon XI hanggang XIII.

 

 

TAGS: department of health, healthcare, news, pondo, Radyo Inquirer, department of health, healthcare, news, pondo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.