PhilHealth naglaan ng higit P72 million sa Quezon Primary Care Provider Network’s (QPCPN) Konsulta Sandbox

By Chona Yu October 26, 2023 - 07:09 AM
Naglaan ng kabuuang P72,983,582.39 million sa Quezon Primary Care Provider Network’s (QCPCPN) Konsulta Sandbox ang pambansang health insurer na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos itong ilunsad nitong Hulyo ng taong kasalukuyan. Dahil dito ay naungusan na ng Lalawigan ng  Quezon ang iba pang sandbox sites o pilot areas tulad ng Bataan, Guimaras, South Cotabato, at Baguio City na matanggap ang pondo na magbibigay sa lalawigan ng kakayahang pagkalooban ng  pangunahing pangangalagang pangkalusugan at makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente nito. Bilang unang  local government unit (LGU) sa bansa na nakapagtatag ng   Konsulta Primary Care Provider Network (PCPN), ang Quezon Province ay kaya ng bigyang ng  primary care service provider o abot kayang serbisyong pangkalusugan ang mga taga-lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng  implementasyon ng  Konsultasyong Sulit at Tama o Konsulta primary care benefit package, na kinabibilangan ng  free primary care consultation, health screening and assessment, diagnostic services, at probisyon ng mahahalagang  gamot sa kahit na saang Konsulta Package Provider (KPP). Ang inilaang pondo ay diniposito sa Provincial Special Health Fund na gumagarantiya sa lahat ng mga taga-Queson ng madali, sapat, mura at de-kalidad na  health-care products at serbisyo. Ayon kay   Governor Doktora Helen Tan, ang mga residente ng lalawigan ay makikinabang sa programa na maaari nilang makuha mula sa iba’t-ibang  health facilities sa buong  Quezon. Hinikayat ng Gov. Tan ang mga residente ng  Quezon na magparehistro sa kanilang rural health units (RHUs), health centers o sa Quezon Provincial Hospital Network (QPHN), kabilang na ang QPHN-Alabat, QPHN-Bondoc Peninsula (Catanauan), QPHN-Candelaria, QPHN-Claro M. Recto (Infanta), QPHN-Dona Marta (Atimonan), QPHN-Guinayangan, QPHN-Gumaca, QPHN-Magsaysay (Lopez), QPHN-Mauban, QPHN-Polillo, QPHN-Sampaloc, QPHN-San Francisco, QPHN-San Narciso, QPHN-Unisan, and QPHN-Quezon Medical Center, upang makakuha ng mga benepisyo, lalo na sa mga  out-patient medical needs. “In pursuit of universal health care (UHC) and consistent with the objectives of primary health care, the Province of Quezon is committed to undertake vigorous health facilities enhancement, sustainable provision of medicines and supplies, and stronger health information system”, ayon kay Tan. Ipinaliwanag ni Tan, na siyang principal author ng  UHC Act, na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagsasama-sama  sa pangkalusugang sistema ng Quezon sa  Province-Wide Health System na dinisenyo upang magbigay ng patuloy, may ugnayan at pinagsamang pangangalaga na  tutugon sa  fragmentation issues sa paghahatid ng serbisyo. Pinasalamatan niya si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang  PhilHealth, Department of Health pati na ang mga local chief executives, municipal health officers, mga pinuno ng ospital ng lalawigan sa pagsuporta sa implementasyon ng nasabing programa.

TAGS: news, philhealth, Quezon, Radyo Inquirer, news, philhealth, Quezon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.