Fake news ng China pang-iinsulto sa Pilipinas – Ph Defense chief

By Chona Yu October 25, 2023 - 02:49 PM

DND PHOTO

Nakakainsulto.

Sinabi ito ni Defense Secretary Glbert Teodoro kaugnay sa ipinakakalat na disinformation ng China kung saan inaangkin ang buong lugar ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Teodoro, nais kasing palabasin ng China na tuta ng Amerika ang Pilipinas.

Nakadidismaya ayon pa kay Teodoro dahil nais ng China na palabasin na walangs ariling ag-iisip ang mga Filipino at hindi kayang manindigan sa sariling mga paa.

Matatandaang binangga ng barko ng China ang barko ng Philippine Coast Guard habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal.

Panawagan ni Teodoro sa publiko, huwag maniwala sa mga panlilinlang at pang-iinsulto ng China.

TAGS: China, defense, fake news, teodoro, WPS, China, defense, fake news, teodoro, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.