Aminado si Pangulong Marcos Jr. na malaking trabaho pa ang kailangang gawin sa sektor ng agrikultura.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa ika-70 anibersaryo ng Federation of Free Farmers sa Quezon City, sinabi nito na kailangan pang matiyak na matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka at mga mangingisda
Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga magsasaka na ituloy ang legasiya ng mga founding members ng FFF.
“We celebrate the seven fruitful decades of your long-standing cooperation and partnership with the government in sustaining development in the areas of agri-fisheries, agrarian reform, and agricultural cooperatives, among others,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Nabatid na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang nagsulong ng mga reporrma sa agrikultura.
“Through your programs and initiatives, you have effectively elevated and empowered the voices of our small farmers, fisherfolk, and rural workers, across the nation,” sabi ni Pangulong Marcos.
“This noble pursuit is the very essence of what my father, President Ferdinand Marcos Sr., strongly believed in, which I believe I have certainly inherited. This is why it’s worth recalling how we championed the cause of the Federation of Free Farmers and expressed his unwavering support for this organization,” dagdag pa nito.
Target ni Pangulong Marcos na gawing moderno ang agrikultura.
“With a substantial budget of 85.88 billion pesos for 2023, and a proposed 92.40 billion pesos for 2024, I am optimistic that we can propel the modernization of our agri-fisheries sector,” aniya.