1.4-M pasahero inaasahang dadagsa sa mga pantalan – PPA
Inaasahan ng Philippine Ports Authority (PPA) na higit 1.4 milyong pasahero ang dadagsa sa mga pantalan na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Ports Authority (PPA).
Kaugnay ito sa gaganaping eleksyon ng mg opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa Lunes, Oktubre 30, na susundan naman ng paggunita ng Todos Los Santos.
Ngayon taon, 1.462 milyon ang inaasahan ng PPA na mga pasahero at ang bilang ay mas mataas ng anim na porsiyento kumpara sa naitala noong 2022.
Ayon PPA General Manager Jay Santiago layon nila na maging ligtas at komportable ang pagbiyahe ng mga pasahero na dadaan sa mga pantalan.
Itinaas na rin aniya ang security alert sa mga pantalan kabilang ang 25 Port Management Offices.
Bukod dito, kanselado ang lahat ng leave at bawal lumiban ang mga kawani ng PPA na lubos na kinakailangan sa mga pantalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.