WATCH: 5,000 indibidwal ang nawalan ng bahay sa sunog sa Baesa, QC kahapon

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Sa isang covered court pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugang residente ng Sitio Pajo, Barangay Baesa sa Quezon City kahapon.

Ang sunog na nagsimula pasado alas 2:00 ng hapon ay umabot sa Task Force Charlie bago maideklarang fire under control pasado alas 6:00 ng gabi.

Sa ngayon, magkakasama sa isang coverd court ang nasa limang libong indibidwal o nasa 492 na pamilya matapos matupok ang kanilang mga bahay.

Nasa lugar naman ang mga tauhan ng Social Services Development Department ng Quezon City Hall para tulungan ang mga residente sa kanilang pangangailangan.

Nang dumating ang mga tulong gaya ng mga damit ay nag-agaw agawan pa ang mga residente sa paghuka ng mga mapapakinabangan nilang gamit.

Sinasabing sa isang bahay nagsimula ang sunog matapos na gumamit ng ‘gasulito’ o maliit na LPG sa pagluluto.

Read more...