Metro Pacific Tollways South handa na sa BSKE, Nov. 1 & Nov. 2 exodus
Dahil sa inaasahan na pagdagsa ng mga motorista kaugnay sa gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na susundan pa ng Undas, nakapaghanda na ang Metro Pacific Tollways South.
Muling inilunsad ng toll road operator ang “Safe Trip Mo, Sagot Ko” (SMSK) motorist assistance program.
Epektibo ito simula ala-6 ng umaga ng Biyernes, Oktubre 27 hanggang ala-6 ng umaga ng Oktubre 29.
Muli sa Oktubre 31 simula ala-6 ng umaga hanggang ala-6 ng umaga ng Nobyembre 2.
At ala-6 ng umaga ng Nobyembre 4 hanggang ala-6 ng umaga ng Nobyembre 6.
Nangangahulugan ito ng pinaigting na operasyon sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) at CAVITEX C5 Link,
Katuwang dito ang Philippine Reclamation Authority (PRA) at PEA Tollway Corporation (PEATC).
“MPT South toll roads are fully prepared to serve the expected traffic surge across our toll road networks as we approach these consecutive holidays,” ani MPT-South President and General Manager Raul Ignacio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.