33 Filipino Asian Games medalists paparangalan ni PBBM

INQUIRER PHOTO

Tatanggap ng Presidential citation at cash incentives ang 33 Filipino medalists na lumahok sa 2023 Asian Games na ginanap sa China.

Igagawad ni Pangulong  Marcos Jr. ang parangal sa  ‘Gabi ng Parangal at Pasasalamat Para sa Bayaning Atletang Pilipino’ mamayang gabi sa Rizal Memorial Coliseum. Pagkilala ito ni Pangulong Marcos Jr., sa karangalan at kabayanihan ng mga atleta na nagsakripisyo at nag-uwi ng  pride, honor, at kaligayahan sa nga kapwa Filipino. Nabatid na nasa P19. 1 milyong insentibo ang ibibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) atvP22. 8 milyon naman mula sa Office of the President.

Read more...