Produksyon ng mga magsasaka sa N. Ecija lumago

By Choan Yu October 25, 2023 - 07:16 AM
Dahil sa kaliwa’t kanang ayuda ni Pangulong  Marcos Jr., tumaas ang produksyon ng mga magsasaka sa Nueva Ecija. Ayon kay Fernando Salvador, chairman ng 44-member Binabuyan Farmers’ Association sa Barangay Pinili sa  San Jose City, dahil sa libreng binhi at abono, umabot sa mahigit 100 kaban ng palay ang naani sa kada ektarya. Mas mataas aniya ito kumpara sa nakaraang anihan. “Ngayong rainy season nagtanim po kami ng inbred, at dahil sa mahusay na pag-aalaga nakaani kami nang mahigit isangdaang cavan kada ektarya, na mas marami kumpara sa mga nakaraang taon,” pahayag ni Salvador. Sabi pa ni Salvador, naibenta niya sa P20 kada kilo ang palay, mas mataas aniya ito kumpara sa mga nakaraang anihan. Bukod sa binhi at abono, sinabi ni Salvador na malaking tulong din ang libreng technical assistance  ng Department of Agriculture (DA).

TAGS: ayuda, nueva ecija, palay, ayuda, nueva ecija, palay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.