774 na bus nabigyan ng special permit para sa Undas at BSKE
Nasa 774 na yunit ng bus ang nabigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para makabiyahe sa Undas.
Sa Quezon City Journalist Forum, sinabi ni Joel Bolano, hepe ng technical division ng LTFRB, 15 na araw na tatagal ang special permit.
May bisa aniya ang special permit noong Oktubre 20 at tatagal ng hanggang Nobyembre 6.
Maari aniyang bumiyahe ang mga bus para maghatid at sundo sa mga pasahero na tutungo sa mga lalawigan sa northern at southern part ng Luzon.
Saklaw na rin ng special permit ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30.
Pakiusap ni Bolano sa mga for hire na sasakyan na huwag maging colorum at kumuha ng kaukalang permiso sa LTFRB.
Sinabi naman ni Jason Salvador , head Corporate Affairs and Government Relations ng PITX na handa na sila sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na aabot sa 1.6 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.