Digong inireklamo ng Makabayan Bloc solon dahil sa pagbabanta

 

Naghain ng reklamong grave threat si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro laban  kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Quezon City Prosecutors Office.

Kaugnay ito sa pagbabanta ng dating Pangulo sa mambabatas sa isang panayam sa telebisyon.

“Duterte’s grave threats, and the fact of their continued spread even until today, present dangers to my life, liberty, and security,” banggit ni Castro sa kanyang reklamo.

Dagdag pa niya: “With that knowledge, I now live in constant fear that I will be a victim of such extrajudicial killing, forced disappearance, illegal arrest or detention that he repeatedly admitted having perpetrated in the past.”

Nabitawan ni Duterte ang pagbabanta nang mapag-usapan ang “secret funds” ng kanyang anak, si Vice President Sara Duterte, sa Office of the Vice President at Department of Education (DepEd).

May katapat na parusang “arresto mayor” at multa na hindi lalagpas sa P100,000 ang reklamo laban kay Duterte kaugnay sa RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act.

Read more...