May pasok sa Oktubre 31.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, base sa abiso ng Office of the Executive Secretary,walang balak ang Palasyo na ideklarang holiday ang Oktubre 31.
Ito ay kahit na ipit para sa long weekend ang Oktubre 31.
Idineklara na kasi ng Palasyo ng Malakanyang na walang pasok ang Oktubre 30 para bigyang daan ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Wala ring pasok sa Nobyembre 1 t 2 para sa Undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.