Pilipinas top choice ng mga negosyanteng Japanese

 

 

Top choice ng mga negosyanteng Japanese ang Pilipinas.

Ayon kay Ken Kobayashi, chairman ng Japanese Chamber of Commerce and Industry, interesado ang mga negosyanteng Japanese na palakasin pa ang partnership sa bansa.

Sabi ni Kobayashi, ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”” Marcos Jr. ang dahilan kung kaya nais ng mga Japanese na mamuhunan.

Ayon kay Kobayashi, naeengganyo ang Japanese investors na magsimula ng kanilang operasyon sa Pilipinas dahil sa inaasahang pagtaas ng workforce population gayundin ng domestic demand.

Sa katunayan, ang Pilipinas aniya ang unang bansa na kanilang binisita matapos ang pandemya.

Sa pagbisita sa Malakanyang, partikular na tinukoy ng JCCI official ang pakay nilang kooperasyon sa iba’t ibang larangan gaya ng digital infrastructure, green economy, at human capital.

Sabi ni Kobayashi, ang Japanese economic mission sa Pilipinas ay binubuo ng 70 miyembro na kumakatawan sa top management ng Japanese corporate world.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos sa tiwala ng mga Japanese.

 

 

 

Read more...