Party-list solon pinuri sina Lapid, Villar sa early voting bill para sa senior citizens, PWDs

By Chona Yu October 24, 2023 - 09:51 AM
Pinasalamatan ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes sina Senators Lito Lapid at Cynthia Villar sa pagsusulong para sa early voting sa national at local elections ng senior citizens at persons with disability (PWD).   Sinabi ni Ordanes na nararapat lamang na ikunsidera ang kondisyon sa pangangatawan at kalusugan ng nakakatandang populasyon sa kanilang pagboto.   “Masakit sa damdamin na makita ang ating mga lolo at lola na makipagsiksikan sa mga presinto para lamang sila ay makaboto,” diin ng namumuno sa House Special Committee for Senior Citizens.   Dagdag pa niya: ” Kayat ako ay labis na nagpapasalamat kina Senator Lito Lapid at Cynthia Villar dahil sa tunay na pagmamalasakit sa senior citizens. Tiwala ako na maraming senador pa ang susuporta sa panukalang-batas.”   Panawagan pa ng mambabatas, magtalaga ng lugar sa cluster precints, kung saan magiging madali sa senior citizens at sa mga taong may kapansanan na makaboto.   Ito aniya ay nakasaad na House Bill 7576, na kanyang isinulong kasama ang ilan pang mambabatas.   Noong nakaraang Marso, sa boto na 259 naaprubahan ang naturang batas sa Kamara at mismong si Speaker Martin Romualdez ang pumuri sa mga kapwa mambabatas dahil sa pagmamalasakit at pagpapahalaga sa senior citizens at PWDs.   Makalipas ang dalawang buwan, ipinadala na ang aprubadong panukalang-batas sa Senado. 

TAGS: cynthia villar, Lito Lapid, news, Radyo Inquirer, senior citizen, cynthia villar, Lito Lapid, news, Radyo Inquirer, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.